Arizona sports fans, nag-riot matapos matalo ang Arizona Wildcats sa NCAA!

4

tomonewsph

2015-08-03T23:47:40-0400

Arizona sports fans, nag-riot matapos matalo ang Arizona Wildcats sa NCAA!


Nagkagulo sa Arizona, matapos silang matalo sa NCAA Elite Eight!

Mga pikon sa Arizona, nakalaban ang riot police, matapos matalo ang Wildcats sa Wisconsin Badgers.

Nawalan ng pagkakataong makabilang sa Final Four ang Arizona, matapos silang matalo, 64-63, overtime, laban sa Wisconsin Badgers.

Nagkalat ang mga Arizona fans, mula sa mga bars, hanggang sa University Boulevard, kung saan binato nila ng lata ng beer ang mga nagpa-patrol na pulis.

At hindi sila umalis kahit na winarningan na sila ng pulis.

Dumating ang mga cruisers at riot police...

At pinagbabato sila ng mga estudyante ng mga bote ng beer, at paputok.

Binato naman sila ng daan-daang pepper canisters at pepper balls ng pulis.

Na ginantihan ng mas marami pang bote ng beer, ng mga basketball fans.

Ang gulo-gulo!

Si Alex Davidson ay naitawag na 'Terminator of Tucson,' dahil naglakas-loob siyang lumapit sa riot pulis, nang naka-brief lang! Ayan, sumabog tuloy ang pepper canister!

Labinlimang tao ang naaresto para sa gulo...
Kung saan nakakuha ng maayos na selfie ang dalawang babaeng ito, dahil sa oras ng gulo -- kailangan natin ng selfie!

Ayon sa kaibigan ni Alex, nag-tweet ang kanyang kaibigan na pinalaya na siya ng pulis, pero mukhang kakailanganin niyang magpahinga muna bago ang susunod na riot. Yikes!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH<br />
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH />
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH