For business: [email protected]

KAPIT-BISIG NATING ABUTIN ANG DALAWANG HANGARIN:

1. ISTORYA’T KAALAMAN PARA SA PILIPINO

Kung usapang patok, naungusan na ng panonood ang pagbabasa.

Kaya naman, ginugugol ko ang aking buhay, abilidad, at oras sa paggawa ng mga makahulugang video na maghahatid ng karunungan sa mga tatak, o pusong Noypi.

2. LABANAN ANG FAKE NEWS

Maraming nagsasamantala sa social media upang bumuo ng mga istoryang walang katotohanan; pampasikat na kalokohan man o para manira ng iba’t ibang personalidad o organisasyon.

Mababawasan natin ang mga ganito sa panonood ng mga videong hindi lamang siksik sa kaalaman, may pabaon ring aliw at tawanan.

Sama-sama tayong umangat at umunlad.

Pagpalain!